Add parallel Print Page Options

15 pero matindi ang galit ko sa mga bansang nagpapasarap sa buhay. Hindi ako gaanong galit sa kanila noon, ngunit sila na rin ang nagpaningas ng aking galit sa kanila. 16 Kaya babalik[a] akong may awa sa Jerusalem, at itatayo kong muli[b] ang lungsod na ito pati na ang aking templo.”

17 Sinabi ng anghel na sabihin ko pa itong ipinapasabi ng Makapangyarihang Panginoon: “Uunlad muli ang aking mga bayan sa Juda. At aaliwin kong muli ang Zion, ang lungsod ng Jerusalem, at muli ko itong ituturing na hinirang kong bayan.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:16 babalik: o, tutulong.
  2. 1:16 itatayo kong muli: sa literal, susukatin kita gamit ang taling panukat.